-- Advertisements --

Nakipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng Iglesia Ni Cristo.

Kinumpirma ng dating aide niya na si Senator Christopher ‘Bong’ Go ang pakikipagkita ng pangulo sa lider ng maimpluwensiyang religious group.

Sinabi ng senador na nagpasalmat ang pangulo dalawang linggo bago matapos ang termino nito.

Magugunitang noong 2018 ay itinalaga ng Pangulo si INC executive minister Eduardo Manalo bilang special envoy for overseas Filipino Concern.