-- Advertisements --

Pinakilos na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang kanilang volunteers, kasabay ng pagsisimula kahapon ng local absentee voting.

Ayon kay Dr. Arwin Serrano, director for voter education ng PPCRV sa panayam ng Bombo Radyo, pangunahing papel ng kanilang mga tauhan ang pagtulong sa Comelec, bilang citizen’s arm.

Pero aminado silang hindi lahat ng polling center ay makakapagtalaga sila ng volunteers dahil sa limitadong bilang ng mga ito.

Maliban dito, nakahanay na rin ang iba pang aktibidad ng PPCRV.

Naka-monitor din kasi sila sa paghahatid ng election materials at iba pang gawain ng poll body, para matiyak ang transparency ng magaganap na eleksyon.