
Nanantiling normal ang power situation sa katatapos na barangay at SK elections nitong Lunes ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon sa Energy Task Force Election na pinangungunahan ng DOE, lahat ng planta ng na nagsusuplay ng kuryente ay nasa normal na operasyon maliban sa Ilijan plant at SLPGC Unit 1 sa lalawigan ng Batangas, TAREC sa Guimaras, at Panay Diesel-fired Power Plant sa Iloilo na nakaranas ng mechanical at technical issues.
Iniulat din ng DOE na lahat ng transmission facilities ay nasa normal operation, base na rin sa reports mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Sa isang advisory naman mula sa pinakamalaking power distribution utility sa bansa na Meralco, natapos ang botohan para sa lokal na halalan nang walang major power interruption.
Tanging minor incidents ang naiulat na isolated lamang at agad namang naresolba.
Mananatili namang naka-full alert ang Meralco at handang rumesponde sa anumang posibleng mga concern kaugnay sa serbisyo sa kuryente hanggang sa matapos ang electoral process.










