Ibibilang na rin ang mga resulta mula sa antigen test na lalabas na positibo sa COVID-19 report.
Layon nito ayon kay IATF at Presidential Spokesperson Harry Roque na mas mapabuti pa ang testing at makita kung ilan ang kabuuang COVID-19 cases sa bansa.
Paglilinaw naman ni Roque na kailangan pa ring suriin sa confirmatory RT-PCR test ang mga magpopositibo sa rapid antigen testing.
Inatasan na rin aniya ng IATF ang mga regional at task forces nito na i-monitor ang alokasyon gayundin ang utilization ng antigen test upang mapagibayo pa ang pag-uulat sa mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kaugnay pa rito, naatasan din ang DOH at National Capital Region Center for Health Development na isagawa ang registration ng mga pasilidad na gumagamit ng rapid antigen testing kits.