-- Advertisements --

Sasailalim sa operasyon sa kaniyang tiyan si Pope Francis.

Ayon sa Vatican, na mananatili ng ilang araw sa pagamutan ang 86-anyos na Santo Papa.

Ang nasabing operasyon ay may kinalaman sa naging operasyon nito noong 2021 ng tanggalin ang kalahati ng kaniyang colon.

Sinabi naman ni Vatican spokesman Matteo Bruni na asahan na sasailalim sa full-function recovery.

Magugunitang noong Mayo ay kinansela na ng Santo Papa ang ilang mga pagpupulong nito matapos na dapuan siya ng trangkaso.