-- Advertisements --
Patuloy ang pagbuti ng kalusugan ni Pope Francis habang ito ay nasa pagamutan.
Ayon sa Vatican, na-diagnosed ang 86-anyos na Santo Papa ng bronchitis.
Dahil dito ay patuloy ang kaniyang paggamot at posibleng manatili pa ng ilang araw pa sa pagamutan.
Hindi pa rin nagbibigay ng impormasyon ang Vatican kung makakalahok ba ang Santo Papa sa mga aktibidad sa pagsisimula ng Semana Santa.
Sinabi pa ni Matteo Bruni, director of the Holy See Press Office, na nakapaghingang mabuti ang Santo Papa kung saan pagkatapos nitong mag-almusal ay nagtungo siya sa chapel ng agostino Gemelli Polyclinic kung saan ito ay nagpapagamot.
Pinasalamatan ng Santo Papa ang lahat ng mga nagpaabot ng pagdarasal para sa agarang paggaling nito.










