-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Francis sa gobyerno ng Azerbaijan at Armenia na magkaroon ng pag-uusap pAra matuldukan na ang nagaganap na kaguluhan.
Sinabi nito na ipinagdarasal niya ang nasabing dalawang bansa na maliwanagan sila at pag-usapan ang anumang hindi pagkakaunawaan.
Magugunitang pumalo na sa mahigit 50 katao ang nasawi sa muling pagsiklab ng labanan ng dalawa sa border nila sa Nagomo-Karabakh region.
Naglunsad ng counter-offensive operations ang Azerbaijani army laban sa mga sundalo ng Armenia.