-- Advertisements --

Nakapulong ni Pope Francis sa mga lider ng Portugal.

Matapos ang pagdating nito sa Lisbon para pangunahan ang World Youth Day ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makausap ang iba’t-ibang lider ng civil society.

Naging pribado rin ang pagpupulong niya kay Portuguese President Marcelo Rebelo de Sousa at Prime Minister, António Costa.

Matapos ang pagpupulong ay pinangunahan nito ang misa kasama kasama ang mga obispo ng Portugal.

Aabot na mahigit isang milyon ang dumalo ngayong taon ng World Youth Day na magtatapos ng hanggang Agosto 6.

Ang nasabing okasyon ay itinaguyod ng namayapang si Pope John Paul II para sa pagtitipon-tipon ng mga kabataan at ituro sa kanila ang banal na aral.