-- Advertisements --

Hindi pa rin nawawala para sa Santo Papa ang makipagbiruan sa mga nakapaligid sa kaniya.

Sa pakikisalamuha niya sa ilang mga tao sa Vatican, ikinuwento nito na ang pag-inom ng tequila ay siyang magpapagaling o magtatanggal ng pananakit ng kaniyang tuhod.

Isinagawa ng 85-anyos na Argentinian pope sa grupo ng mga pari ng Mexico.

Lulan ng kaniyang wheel chair ay umiikot ito sa mga audience tuwing natatapos ang mga misa.

Ikinatuwa naman ng mga pari ang pagiging bibo ng Santo Papa kahit na ito ay may iniindang sakit sa kaniyang tuhod.