-- Advertisements --
Muling naglabas ng pagkondina si Pope Francis sa nagaganap na giyera sa Ukraine.
Tinawag niot na hindi katanggap-tanggap at barbaric ang ginagawang pagsakop ng Russia sa Ukraine.
Nanawagan din ito sa mga mamamayan na magdasal para muling maibalik ang kapayapaan sa nasabing lugar.
Nauna rito binatikos ang Santo Papa sa naging komento nito sa pagkasawi ni Darya Dugina ang anak ng kaalyado ni Russian President Vladimir Putin na nasawi sa car bombing.
Inihayag kasi ni Argentinian pope na maaaring nasa kaniyang sasakyan ang bomba kaya ito ay sumabog kasama siya.










