-- Advertisements --

Kinondina ni Pope Francis ang mga nagaganap na body shaming sa mga tao.

Isinagawa ng Santo Papa ang pahayag sa video conference sa mga mag-aaral ng isang unibersidad sa Asya.

Ipinarating kasi ng isang babae sa India ang naranasang nitong ‘body shaming’ mula sa kanlyang mga kaklase.

Pinuna umano ang laki at hugis ng kaniyagn katawan.

Inamin din ng Argentinian Pope na ‘guilty’ ito noong bata pa siya mahigit pitong dekada na ang nakakalipas.

Dagdag pa ng Santo Papa na kahit anumang hugis o kulay ng isang tao dapat ay hindi ito kutyain dahil bawat isa ay may kaniya-kaniyang taglay na kagandahan.

HIndi mahalaga ang anyong panglabas aniya dahil ang mahalaga ay ang ugaling ipinapakita sa kapwa tao.

HIndi rin ito sang-ayon sa mga sumasailalim sa plastic surgery para mabago ang kanilang pangangatawan.

Sinabi ng Santo Papa na madaling kumupas ang sumasailalim sa plastic surgery sa pagdaan ng mga panahon.