Dumating na sa Canada si Pope Francis para sa kaniyang limang-araw na pagbisita doon.
Layon din ng nasabing biyahe ay para humingi ng paumanhin sa mga biktima ng pang-aabuso mula sa mga paaralan na pinapatakbo ng Simbahang Katolika.
Sinabi ng Santo Papa na ang biyahe ay maituturing na mahalaga para sa paghingi ng kapatawaran.
Mula sa Edmonton ay bibisita siya sa dating residential school at makikipagkita sa mga katutubo doon.
Bibisita rin ito sa Quebec City at Iqaluit.
Sa araw ng Martes ay magsasagawa ito ng misa sa Edmonton.
Mula noong 1881 at 1996 ay mayroong mahigit 150,000 na mga katutubong bata na nahiwalay sa kanilang pamilya at dinala sa mga residentila schools.
Ang mga ito ay sinasaktan, ginugutom at minomolestiya na tinatawag ng Truth and Reconcillation Commission na “cultural genocide” ng Canada.