-- Advertisements --
Balik trabaho na si Pope Francis pagkatapos ng ilang araw na pahinga matapos na magkaroon ito ng lagnat.
Kung maaalala, naospital ng halos dalawang buwan ang 86 taong gulang na Santo Papa dahil sa Bronchitis.
Noong Biyernes ay inihayag ng tagapagsalita ng Vatican na si Matteo Bruni na hindi muna papayagang humarap ang Santo Papa sa madladahil sa kalagayan nito dulot ng lagnat.
Matapos gumaling sa sakit ay hindi naman malinaw kung sino ang inaasahang makakaharap ng Santo Papa dahil hindi isinapubliko ang kanyang magiging agenda.
Ibinaling naman ni Vatican Secretary of State Pietro Parolin ang sisi dahil sa busy schedule ng Papa na nagdulot ng sobrang kapaguran dito.