-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ng ’80s pop star na si Tiffany matapos na makaligtas ito sa aksidente.

Ayon sa kaniyang representatives na tumama ang isang nakawalang gulong ng truck sa kaniyang sasakyan habang nasa highway ng Nashville.

Nagtamo ng pinsala ang kaniyang kotse subalit wala itong anumang pinsala sa kaniyang katawan.

Sumikat ang singer noong dekada 80 sa kaniyang kantang “I Think We’re Alone Now” na nanguna sa Billboards Hot 100 chart sa loob ng dalawang linggo.