-- Advertisements --

Tiniyak ng Malacañang na sapat pa ang pondo ng pamahalaan, partikular ang Quick Response Fund (QRF), para sa pagpapatuloy ng rescue operations at pagtugon sa mga naging epekto ng nagdaang kalamidad sa bansa.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, nagbaba na ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga concerned agencies na agarang tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.

Sinabi ni Castro, inatasan ng Pangulo ang DSWD para mamahagi ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng malakas na lindol at maging ang DPWH na magsagawa ng clearing operations.

Tiniyak naman ng Department of Budget and Management na agarang magagamit ang quick response fund ng lahat ahensiya ng pamahalaan upang suportahan ang ginagawang disaster response  at relief operations kaugnay ng malakas na lindol sa saranggani at mga kalapit na lugar. 

Ayon sa DBM, para sa Sarangani earthquake response,  nananatiling available ang  kasalukuyang QRF resources para sa agarang deployment ng mga kaukulang ahensiya, habang tiniyak na nananatiling nakahanda ang dbm  na magbigay ng iba pang kinakailangang budgetary support  kung kakailanganin.