-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Bayugan City, Agusan del Sur Mayor Kirk Asis na sobra-sobra ang pundong magagamit para sa kanilang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) response.

Sa isinagawang press briefing kasama si Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, inihayag ni Mayor Asis na mayroon pa silang P171 milyong supplemental budget na sobra sa pundo nila nitong nakalipas na taong 2019.

Hindi pa kasama dito ang ibinigy na P91 milyong Bayanihan grant mula sa pambansang pamahalaan at ang share nila mula sa probinsiyal na pamahalaan na umabot naman sa P5.6-million.

Ang naturang pondo ay kaya umanong umabot kahit tatagal pa hanggang sa sususnod na taon ang COVID-19 pandemic.