-- Advertisements --

Nakatakdang isubasta ng bandang Parokya Ni Edgar ang isa polo na ginamit ng namayapang rapper na si Francis M sa music video ng banda na “Bagsakan”.

Sa social media account ng lead singer ng banda na si Chito Miranda, ay ipinost nito ang larawan ng polo kung saan ang perang malilikom sa bidding ay ibibigay sa pagpapagamot ng kanilang gitarista na si Gab Chee Kee na dinapuan ng cancer.

Kuwento pa nito na hindi niya inaasahan pa na makita ng anak nitong si Saab Magalona na makita pa ang nasabing polo.

Dito ay pumayag ang mga kaanak ng namayapang Master Rapper na ipa-bidding ito para makatulong kay Gab.

Ang polo ay nagamit ni Francis M sa kantang “Bagsakan” kung saan kasama dito ang rapper din na si Gloc 9 at si Chito.

Ang dalawang polo na isinuot nina Gloc 9 at Chito ay naipa-bidding na.