-- Advertisements --

Patay ang political vlogger na si Mimaa Alicia, o sa tunay na buhay Alicia Lipata, matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Caloocan City, nitong madaling-araw ng Biyernes, Hulyo 17.

Dead on the spot ang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan, habang sugatan naman ang kanyang live-in partner na kilala sa alyas na “Nelboy.”

Ayon sa pulisya, kagagaling lamang ng mag-live-in at ipinaparada ang kanilang sasakyan nang pagbabarilin sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen. Kabilang sa mga anggulong tinitingnan ang posibilidad na may kaugnayan ito sa negosyo ng mag-live-in o sa pagiging political vlogger ni Alicia.

Nakilala si Alicia sa kanyang YouTube channel na “Mimaa Alicia Talks,” kung saan nagbibigay siya ng komentaryo sa pulitika at mga napapanahong isyu.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga responsable sa pamamaril.