-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakatakdang ilunsad ang Partido Pilipino sa Pagbabago (PPP), na isang bagong political party at national directorate convention, para ipanawagan ang kanilang suporta sa posibleng pagkandidato ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Leonardo A. Fernandez, PPP director-general, layunin ng kanilang partido na magpatupad ng polisiya at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng “Pilipino-style federalism.”

Kabilang dito ang multi-sectoral groups, coalitions, political alliances at people’s organizations.

Nagpahayag rin ang PPP ng kanilang intensiyon na suportahan ang national at local candidates kasama ang iba’t-ibang partisan groups.