Nagpahayag ng kanilang suporta ang mga lider ng iba’t iabng political parties at party-list groups sa approval ng Kamara sa Bayanihan To Recover As One Act o Bayanihan 2 para tugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa isang manifesto, binigyan diin ng mga lider na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang economic stimulus na naglalayong tugunan at tulungan ang iba’t ibang sektor na apektado ng pandemya.
Lumagda sa naturang manifesto sina Rep. Walter Wee Palma II ng Lakasa-CMD, Rep. Elpidio Barzaga Jr. ng National Unity Party, Rep. Edgar Erice ng Liberal Party, Rep. Aurelio Gonzales Jr. of PDP-Laban, Rep. Wesley Gatchalian ng Nationalist People’s Coalition, Rep. Raneo Abu ng Nacionalista Party, at Rep. Sharon Garin ng party-list coalition.
Maging sina Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez, Deputy Speaker Paolo Duterte, at Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte ay pumirma rin sa naturang manifesto.
Ayon sa mga kongresista, ito ang kanilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) nito na ipasa ang ikalawang bersyon ng Bayanihan Law para maiwasan na ang pagkalat pa lalo ng COVID-19 virus at para mapabilis na rin ang recovery ng bansa sa pandemya.
Kagapi, Agosto 5, 2020, ay inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang kanilang bersyon ng Bayanihan 2.
Kabuuang P162 billion ang inilalaang pondo para rito, na magsisilbing economic stimulus.










