-- Advertisements --

Nanguna sa Women’s Tennis Association (WTA) ranking si French Open Champion Iga Swiatek.

Nakuha ng 21-anyos na Polish player ang unang puwesto matapos ang suprise retirement ni Australian Ashleigh Barty noong Marso.

Pumangalawa naman sa puwesto si Anett Kontaveit ng Estonia habang nasa pangatlong puwesto si Paula Badosa ng Espania at pang-apat na puwesto ang Tunesian player Ons Jabeur.

Labis naman ang pasasalamat ni Swiatek matapos na makuha ang unang puwesto ng WTA ranking.