GENERAL SANTOS CITY – Apektado ang ginagawang imbestigasyon ng presento matapos nagpositibu sa Coronavirus disease ang pitong investigator na nasa isolation facility ng munisipyo.
Ito ang kimupirma ni Malungon Mayor Teresa Constantino na nagkaruon ng contact sa COVID positive patient ang nasabing mga Police na kaagad namang dinala sa isolation matapos lumabas ang resulta sa ginawang swab test.
Sinisiguro naman ng Mayor na naagapan kaagad ng Municipal health Office ang posebling pagkalat ng virus habang patuloy ang pakipaglaban sa COVID 19 .
Dagdag pa nito na nasa mabuting kalagayan ang nasabing mga pulis dahil lahat sa kanila ang mga asymptomatic.
Patuloy naman ang pagserbisyo ng Malungon Municipal Police station matapos nag dis infect ang buong presinto.