Arestado ng pulisya si Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region Regional Director PBGEN John Guyguyon.
Ito ay matapos isilbi ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang dalawang arrest warrant sa kaniya PRO-BAR Regional Headquarters sa Camp Gen Salipada K Pendatun, Parang Maguindanao ito ay kasunod ng pagsibak sa kaniya ni PNP chief PGen Rodolfo Azurin Jr. sa serbisyo.
Ang naturang warrant of arrest ay nauugnay sa dalawang magkahiwalay na kaso ng syndicated estafa na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 104 noong December 1, 2022, at QC RTC Branch 91 na may petsang May 20, 2022.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng PRO-BAR Deputy Regional Director for Administration PBGen. Gil Francis Tria para sa pagharap niyo sa korte laban sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.