-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sibak sa kanilang katungkulan ang dalawang police officials dahil sa sunod-sunod na kapalpakan na kinabilangan nang pagkatakas ng dalawang Person Deprive Liberty (PDLs) at ang misteryoso bagamat brutal na pagkamatay ng isang preso sa loob ng kustodiya ng Macabalan Police Station 5 ng Cagayan de Oro City.

Ito ay umani ng sari-saring reaksyon ang pagkatakas ng suspected drug pushers na sina Joseph Cainoy na taga- Barangay Lapasan ng syudad at Danny Boy Panandigan na mismong nakatira sa Barangay Macabalan ng lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City Police Director Col Henry Dampal na hindi rin katanggap-tanggap na natakasan na nga ng dalawang preso ay karumaldumal rin ang sinapit ng isang Kim Troy Francisco, 42 anyos na gumamit lamang ng comfort room ay patay na itong nadatnan ng kanyang dalawang pulis na naka-duty sa mismong police station 5 nitong lungsod.

Inihayag ni Dampal na ito ang dahilan na sinibak nito sina station commander Maj Naomi Caudilla at ang kanyang deputy commander na si Lt June Paulette Docallos habang iimbestigahan ang dalawang pangyayari.

Sinabi ng opisyal na papatawan nila ng kaukulang parusa kung matatapos na ang kanilang isinagawa na imbestigasyon at kung ano ang makikita na kapalpalkan kung bakit hindi napigilan ang pagtakas ng suspected pushers at umano’y pagpakamatay ng isa pang priso.

Una nang pumalag ang pamilya ni Francisco sa teorya na ng PNP na nagpakamatay ito dahil sa malaking hiwa ng leeg at hindi pagka-rekober ng kutsilyo na maaring ginamit sa krimen.