CAGAYAN DE ORO CITY- Bumuo na ang mga otoridad ng Special Investigation Task Group (SITG) na siyang tututok sa kaso sa pagbaril-patay sa isang police sa Anwar Street, Marawi City, Lanao del Sur.

Itoy matapos binawian ng buhay si Patrolman Abdul Mojib Ditucalan, 38 anyos matapos barilin ng hindi pa nakikilalang responsable, habang patuloy namang ginagamot sa ospital ang anak nito na tinamaan sa ulo.

Rido ang kabilang sa mga kinukonsidera ng pulisya na ugat sa krimen.

Sinabi ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Madzghani Mukaram na papauwi na ang biktima nang biglang tinambangan.

Patuloy pang inaalam ang tunay na motibo sa krimen.