-- Advertisements --

MANILA – Ginanap ang pagtanggap sa world’s number 3 pole vaulter na si EJ Obiena sa University of Sto. Tomas (UST) sa lungsod ng Maynila kung saan mainit siyang sinalubong ng mga opisyal at mga estudyante para sa kanyang homecoming.

ej obiena pole vaulter

Bandang alas-10:05 ng umaga nang makarating si Obiena sa unibersidad kasama ang kanyang girlfriend na isa ring atleta mula Germany na si Caroline Joyeux.

Una rito, naging puspusan daw ang paghahanda ng nasabing institusyon para sa victory homecoming ng dating Olympian.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Joreen Rocamora ng UST Office of Public Affairs, gagawaran ng St. John Paul II Award si Obiena kung saan ibinibigay ito sa mga estudyanteng may outstanding achievement mapa-national o international competition man sa larangan ng sports.

Inaasahan naman na mas magiging busy nang muli sa mga trainings ng nasabing atleta para sa paghahanda sa mga susunod pa niyang mga laban. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)