-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship ang Poland.
Tinalo ng world number 1 na Poland ang Turkey sa score na 25-15, 25-22, 25-19 sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Nanguna sa panalo ng Poland si Wilfredo Leon na nagtala ng 13 points , siyam na atake , tatlong blocks at isang ace habang mayroong 12 points si Jakub Kochanowski.
Mula sa simula ng ay dominado ng Poland ang laro kung saan hindi na nila hinayaan pa na makalamang ang Turkey.
Makakaharap nila ang defending champion na Italy matapos na talunin ang Belgium.