-- Advertisements --

Nagsagawa ang Poland ng pinakamalaking military parade buong dekada.

Ayon sa Defense Ministry ng Poland na ang bahagi ng kanilang Polish Army Day ay ipinarada nila ang 200 units na mga Polish at foreign military equipment, 92 aircraft at 2,000 service members.

Kabilang na ibinida nila ang US-made a M1A1 Abrams anks, South Korean K2 tanks, K9 self-propelled howitzers, HIMARS rocket launchers, Krab self-propelled howitzers ganun din ang US-made na Patriot missile batteries systems.

Nanantiling isa ang Poland na may pinakamalakas na military sa Europa kung saan nagbigay ito ng mga kagamitang militar sa Ukraine ng lusubin sila ng Russia.

Noong nakaraang mga linggo rin ay naglagay ng kaniyagn sundalo ang Poland sa border nila ng Belarus matapos na balitang pagkalat ng mga Wagner mercenary group na galing sa Russia.