-- Advertisements --
Nagtungo sa Bureau of Immigration ang komedyanteng si Pokwang para maghain ng deportation complaint at visa cancellation laban sa dating kinakasama na si Lee O’Brian.
Sinamahan siya ng abogado nitong si Atty. Ralph Calinisan para ihain ang nasabing mga dokumento sa BI.
Sinabi ng actress na ginawa lamang niya ang nararapat para sa kaniyang anak.
Ibinunyag pa komedyante na sa loob ng walong taon ay gumagamit ang dating kinakasama ng tourist visa.
Nais niyang mabigyang leksyon ang mga lumalabag sa batas na nagdudulot ng negatibo sa kaniyang mentalidad.