Ipagpipilitan pa rin ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na maisama ang ilang pangalan sa 12-man roster ng Gilas Pilipinas.
Sinabi nito na mayroon pang hanggang linggo ang deadline ng pagsusumite kung saan isasama nito ang pangalan nina Calvin Abueva, Terrence Romeo, Mo Tautuaa at Jason Perkins sa line up ng Gilas bago ang pormal na pagsisimula ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Nasa Group C kasi ang Gilas na sa susunod na linggo magsisimula ang laro nila kontra sa Bahrain.
Una rito ay hindi tinanggap ng Hangzhou Asian Games Organizing Committee ang pagsali sa tatlong atleta na isa sa fencing, gymnastics at golf dahil sa huli na nila naabisuhan ang mga opisyal ng Asian Games.
Nakatakdang magsimula ang Asian Games sa araw ng Sabado sa Hangzhou, China.