-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine National Railways (PNR) ang schedule ng bus augmentation para sa mga ruta mula Alabang patungong Tutuban kung saan mayroong isang oras na interval ang biyahe para sa Holy week o mula March 28, 30 at 31.
Ang unang bus trip ay aalis dakong 5:30 am habang ang unang bus mula Tutuban ay 7am.
Ang last trip naman para sa Alabang-Tutuban ay 7pm habang ang last trip para sa Tutuban-Alabang ay aalis ng 9pm.
Wala namang bus trips sa Biyernes Santo, Marso 29 at ang mga biyahe ay sa Marso 31 na babalik.
Samantala, simula sa Abril 1 mayroong 30 minutong interval sa pagitan ng mga biyahe.