Pumalo na umano sa 701 ang bilang ng mga election “hotspots” na tututukan ng PNP kaugnay para sa nalalapit na mid-term elections.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, ang bilang na ito ay halos kalahati o 42.9 percent ng 1,634 siyudad at munisipyo sa buong bansa.
Paliwanag ni Albayalde, ang mga hotspots na ito ay color-coded kung saan 223 ang code yellow o itinuturing na areas of concern; 382 ang code orange o election areas of immediate concern; at 94 ang code red o election areas of grave concern.
Sa mga code red areas, 27 ang nasa ARMM; 19 sa Bicol Region; tigpito sa Calabarzon at Western Mindanao; tig-anim sa Mimaropa at Western Visayas; lima sa Northern Minadano; tig-apat sa Soccsksargen at Cordillera; tatlo sa Eastern Visayas; tigdalawa sa Central Luzon at Davao Region; at tig-isa sa Caraga at Cagayan Valley region.
Sinabi ni Albayalde na pinag-aaralan na ng PNP ngayon ang mga kinakailangang pagbabago sa deployment ng mga pulis para sa election duties.