-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng isang kaso ng indiscriminate firing sa Mamburao, Occidental Mindoro sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief Police Colonel Red Maranan batay sa nakuha nilang impormasyon isang sibilyan ang sangkot sa pagpapaputok ng baril sa kaniyang mismong bakuran na agad naman ito isinumbong sa mga pulis na.

Arestado ang suspek ng mga rumespondeng pulis.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagkuha ng impormasyon ng PNP kaugnay sa iba pang naitalang indiscriminate firing incidents.

Sa ngayon nasa full alert status ang Pambansang pulisya hanggang January 6,2022 upang matiyak ang seguridad ng publiko.

Ibig sabihin 85% ng PNP personnel ang nasa labas at nagasagawa ng patrol duty.