-- Advertisements --

Naglagay na ang Philippine National Police ng mga checkpoint sa 7-kilometer danger zone sa palibot ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PNP Public Information Chief, PBGEN Red Maranan, layunin ng mga checkpoint na mapigilan ang mga residente na nagtatangka pang bumalik sa kanilang mga lugar, malapit sa bulkan.

Tugon na rin ito aniya ng PNP, sa pagtiyak sa kaligtasan ng bawat residente, lalo na at lalo pang tumitindi ang pag-alboroto ng bulkan.

Pagtitiyak ng opisyal na may sapat na bilang ng mga pulis na magmamando sa mga checkpoint, maliban pa sa mga dati nang nakadeploy sa mga evacuation center, chokepoint area, at iba pang strategic na lugar, sa palibot ng bulkan.