-- Advertisements --

Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police sa senado sa pagkakaresto ng dalawang magkapatid na executive ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.


Ayon kay PNP chief Lt. Gen Dionardo Carlos, bagaman Senado ang may hurisdiksyon kina Twinkle at Mohit Dargani, ay handa silang tumulong sakaling kailanganin ang kanilang tulong.

Paliwanag ni Carlos, ginagalang nila ang Senado at ang nakaantabay lang sila sa anumang ipag-uutos nito na pasok sa kanilang mandato.

Matatandaan na nahuli ang mahkapatid na Dargani sa sa Davao International Airport kahapon.

Base sa ulat, pasakay ang dalawa sa pampribadong eroplano patungong Kuala Lumpur, Malaysia nang arestuhin.

Agad silang nilipad pabalik ng Maynila at nakadetine ngayon sa Senado sa Pasay City.

Si Twinkle ang pangulo at si Mohit ang kalihim at treasurer ng Pharmally. 

Iniimbestigahan ang kompanya sa Senado dahil sa umano’y maanomalyang kontrata sa kompanya ng gobyerno sa pagbili ng mga kagamitan gaya ng face shield.