-- Advertisements --
Pagpapakalat ng dagdag na puwersa ng mga tauhan ng kapulisan si PNP Chief PGEN Benjamin Acorda Jr. sa lalawigan ng Negros Oriental.
Ito ay matapos na isailalim sa Commission on Election Control ang ang buong lalawigan.
Ayon kay PNP Chief Acorda, ang hakbang na ito ay isa sa mga tinalakay sa kaniyang ipinatawag na Command Conference sa mga mataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.
Aniya, kaugnay nito ay kasalukuyan nang tinutukoy ng kapulisan ang mga posibleng “problem areas” sa nasabing lalawigan na kinakailangang tutukan.
Kasabay nito ay tiniyak naman ni PNP chief Acorda na tuluy-tuloy din ang direktang pakikipag-ugnayan nila sa Comelec para sa kaukulang aksyon at deployment ng kapulisan.