-- Advertisements --

caloypnp1

Mariing pinasinungalingan ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos ang akusasyon ni Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate na target siya ng “red-tagging” ng Pambansang Pulisya.

Ang reklamo ng mambabatas ay dahil sa tarpauline na nag-uugnay sa mambabatas sa kilusang komunista na umano’y naka-display sa harapan ng Capas Municipal Police Station sa Tarlac.

Paliwanag ng PNP Chief, ang istasyon ng pulis ay nasa loob ng Compound ng LGU kaya hindi nila kontrolado ang pagkilos ng mga tao sa loob ng compound.

Dagdag ng PNP Chief, Ang sinasabing tarpaulin ay ikinabit sa labas ng “gated” na bakuran ng istasyon.

Giit ng PNP Chief, hindi pinahihintulutan ng PNP ang kanilang mga tauhan na gamitin ang mga pasilidad ng PNP sa pamomolitika.

Siniguro naman ni Carlos na paiimbestigahan niya ang insidente na nakakasira sa imahen ng PNP.