-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ni Philippine National Police (PNP) Chief Archie Gamboa na lubos ang kanyang pagdadalamhati sa sinapit ng binansagang hero cop ng Initao, Misamis Oriental, kaninang umaga.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inihayag ni Gamboa na napanood na nito ang video kung saan ginamit ni Police Senior Master Sargeant Jason Magno ang kanyang katawan upang saluin ang hand grenade na inihagis ng nagwalang miyembro ng Moro National Liberation Front sa loob ng Initao College.
Kasabay ng paggawad ng medalya, ibinigay din sa naulilang pamilya ni Pol. S/Mgt Magno ang aabot sa P600,000 cash assistance.
Ngayong hapon, aasahang si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang bibisita ayon sa hepe ng PNP.