Kinilala ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. ang lahat ng mga pulis na nakadeploy sa mga lugar kung saan isinagawa ang naging plebisito sa Maguindanao upang magpatupad ng kapayapaan at kaayusan noong weekend.
Sa isang statement ay ipinahayag ni Azurin ang kaniyang kagalakan sa naging maayos na kinalabasan ng proseso ng naturang plebesito.
Kasabay nito ay nagpasalamat din siya sa iba pang stakeholder para sa kanilang naging kooperasyon upang matiyak na mapapanatili ang disiplina habang isinasagawa ang naturang aktibidad.
Iniulat din ng PNP chief na wala namang naitalang untoward incident ang pulisya sa kasagsagan ng kabuuang proseso ng isinagawang plebisito.
Matatandaan na una rito ay ipinahayag na rin ni Azurin na bubuo ng dalawang bagong provincial police office ang PNP para sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.