Mahigpit na minomonitor ngayon ng PNP Anti-Cyber Crime Unit ang social media account partikular ang Facebook page ni Misamis Oriental Governor Henry Oaminal matapos tinangka itong -hack, matapos matukoy ang hindi otorisadong pag-access nuong Lunes ng gabi.
Nagbabala si Gov. Oaminal at ang pamunuan ng Misamis Police Provincial Office (PPO) sa publiko laban sa mga kahina-hinalang aktibidad sa opisyal na Facebook page ng gobernador.
Ayon kay Oaminal matapos nilang malaman ang insidente agad nila itong ni report sa Facebook.
Kaagad ding humingi ng tulong ang gobernado sa Regional Anti-Cyber Crime Unit kung sa mahigpit na sinusubaybayan at iniimbestigahan na ngayon ang insidente.
Binigyang-diin ni Omaninal na layon lamang nila na matiyak na ang mga serbisyo nila sa kanilang mga constituents ay hindi mahahadlangan sa anumang paraan at para mabawi din ang access at kontrol sa kanilang pahina.
Nanawagan naman ang PNP sa region 10 sa publiko na maging mapagbantay sa mga post at iba pang aktibidad sa kanilang mga social media accounts.
Siniguro naman ni Gov. Oaminal sa mga Misamisnon na ang insidente ay hindi magiging hadlang sa pamahalaang panlalawigan sa pagbibigay ng magandang serbisyo para sa kaniyang mga constituents lalo na ang programang ipinapatupad nito ang 5Ms o ang Misamisnon Magpuyong Malinawon, Malambuon at Malipayon’ (Misamisnon Live Peaceful, Prosperous and Happy) ay isa sa mga flagship initiatives ng gobernador para sa probinsya.
Magugunita na sa nakalipas na mga linggo, naiulat ang serye ng mga pag-hack sa mga verifed Facebook page ng iba’t ibang government agencies at mga government offices, kabilang ang tanggapan ng National Capital Region ng Department of Social Welfare and Development, Department of Science and Technology, pananaliksik sa enerhiya at teknolohiya at development council, traffic management office ng Davao City, at provincial police office ng Iloilo at iba pa.
“It’s unfortunate to be among those that have been hacked. But while we wait for this issue to be resolved, our work at the provincial capitol continues as usual. Meanwhile, we would like to remind Misamisnons and fellow Filipinos to exercise precaution when viewing social media, and to always verify the information they read,” ayon kay Gov. Oaminal.