CAUAYAN CITY – Pinangangambahang bababa ang production ng cassava o kamoteng kahoy sa ikalawang rehiyon dahil sa sakit ang umaatake sa mga tanim ng mga magsasaka.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Senior Science Specialist Mina Flor Aquino ng Department of Agriculture (DA) region 2 na ang validated na apektado ng Cassava Phyto-plasma Disease o Witches’ Broom ay 440 hectares na taniman ng kamoteng kahoy sa lalawigan ng Isabela at Quirino hanggang noong June 5, 2023.
Inaasahang bababa ang production at source ng planting materials dahil sa nasabing sakit.
Pinayuhan din ni Ginang Aquino ang mga nagtatanim na piliin nila ang mga punlang kamoteng kahoy na malusog upang hindi magkasakit sa mga susunod na panahon
Sinabi pa ni Aquino na nagkahawaan ng sakit ang mga kamoteng kahoy dahil hindi malusog ang mga itinatanim na punla.
Dapat ang itatanim na kamoteng kahoy ay may tree planting treatment.
Aniya, nagsimula sa dalawang lalawigan ang nasabing sakit ng mga tanim na kamoteng kahoy noong taong 2015-2016 at mula noon ay nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng information drive sa mga magsasaka.
Pinayuhan nila ang mga magsasaka na bunutin agad ang mga tanim na kamoteng kahoy kung mapansin na tinamaan na ito ng sakit.