-- Advertisements --

Inaasahang isasagawa ang funeral ng yumaong Her Majesty Queen Elizabeth II sa Westminster Abbey sa loob ng 10 hanggang 11 araw pagkatapos ang kaniyang kamatayan kung saan nakatakdang kumpirmahin pa ng Buckingham Palace ang eksaktong petsa kung kailan ito isasagawa.

Magsasagawa din ng isang remembrance service sa St. Paul’s Cathedral sa araw ng Biyernes na dadaluhan ng mga prime minister at iba pang senior ministers.

Dahil sa Scotland namatay si Queen Elizabeth, ang kaniyang kabaong ay ilalatag sa St Giles’ Cathedral sa Edinburgh. Papayagan naman ang publiko na magbigay tibute makalipas ang ilang araw.

Pagkatapos ay dadalhin ang coffin ni Queen Elizabeth sa London kung saan daan-daang mamamayan ang papapayagan na masilayan ang Her Majesty sa mga huling sandali nito sa loob ngapat na araw ng wake nito sa Westminster Hall.

Ang union flag ay ilalagay sa half-mast ng government buildings hanggang sa kinaumagahan matapos ang funeral. Ibabalik ang bandila ng full mast sa loob ng 24 hour period simula ng 13:00 Britain Standard time sa araw ng Sabado bilang hudyat ng proklamasyon ni Charles bilang hari bago ito ibalik sa half mast.

Sa araw naman ng Biyernes, papatuugin ang mga Kampana bilang pagpupugay kay Her Majesty sa Westminster Abbey, St Paul’s Cathedral at Windsor Castle.

Sa funeral ng Her Majesty, bibigyan din siya ng pagpupugay sa pamamagitan ng 96 rounds of gun salutes para markahan ang bawat taon ng buhay ni Queen Elizabeth sa Hyde park.