Naghain ang ilang miyembro ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para iatras ang consolidation ng mga prangkisa ng public utility jeepneys sa ilalim ng PUV Modernization program ng pamahalaan.
Pinangunahan ni PISTON Deputy Secretary General Bong Baylon ang grupo sa paghahain ng withdrawal petition na humihiling sa board na ibalik ang kanilang mga prangkisa.
Ayon kay Baylon, nadiskubre nilang hindi lehitimo at hindi kayang pangasiwaan ng mga jeepney cooperatives o corporations ang fleet.
Sinabi naman ng grupo na 75 na jeepney operators ang lumagda sa withdrawal petition.
Una na ngang pinalawig pa ang pag-aapply para sa consolidation ng mga prangkisa hanggang sa Abril 30 ng kasalukuyang taon sa ilalim ng PUV modernization program.
Ginawa ng Piston ang naturanag panawagan kasabay ng isinagawang pagwewelga sa LTFRB-NCR para hilingin ang ganap na pagatras ng kanilang frachise consolidation.