-- Advertisements --
image 339

Dinalaw ni Phil Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr. ang pinoy worker na si Joey Pagsolingan na unang nasugutan sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Israel.

Kasalukuyang nagpapagaling si Pagsolingan sa Tel Aviv Sourasky Medical Center sa Tel Aviv, Israel.

Nang unang umatake ang grupong Hamas sa Kibbutz Be’eri na malapit sa Gaza Strip ay nabaril siya at tinamaan ang kaniyang kaliwang braso

Siya ay nailigtas ng Israeli Defense Forces na rumesponde sa naturang lugar, at nadala sa pagamutan kung saan agad siyang sumailalim sa operasyon, dahil sa tinamong sugat.

Tiniyak naman ni Ambassador Laylo ang tulong sa naturang Pinoy worker, habang nagpapatuloy siya sa pagpapagaling sa naturang ospital.

Nagpasalamat din ang opisyal sa Israeli Defense Forces sa pagtulong at pagligtas sa mga Pinoy workers na naiipit sa nagpapatuloy na kaguluhan.