-- Advertisements --

Humakot ng medalya sa Hong Kong ang ilang Pilipinong estudyante na sumabak sa katatapos lang na International Mathematical Olympiad (HKIMO) 2019.

Nasa 47-gold medals, 81-silver medals at 92-bronze ang nasungkit ng mga delegadong ipinadala ng bansa.

Bukod sa mga medalya, naguwi rin ng siyam na special award at higit 50 merit award ang Pinoy math whiz na mula sa iba’t-ibang eskwelahan.

Kabilang sa mga nakalaban ng Philippine team ang bansang Thailand, Myanmar, Sri Lanka, Australia, India at Kazahkstan.