-- Advertisements --

Nakapagtala ng 2 gold medals sa 11th ASEAN Para Games si Ariel Joseph Alegarbes sa larangan ng swimming.

Nangibabaw ito sa 100-meter backstroke S14 event sa Jatidiri Sports Complex pool sa Semarang, Indonesia.

Tinalo nito si Muhammad Imaan Aiman ng Malaysia na nakakuha ng silver medal at si Mrjirachot Chuvong ng Thailand na nagtapos ng bronze medal.

Dahil dito ay nagtala siya ng bagong record kung saan binasag niy ang 5-taon na record 1:03:60 sa 100-meter backstroke ni Muhammad ng Indonesia noong 2017 sa Kuala Lumpur.

Nahigitan din nito ang record ng halos apat na segundo na hawak ni W.Y Chung ng Malaysia at D. Nugrugho ng Indonesia noong 2017.