-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest si dating Brave CF bantamweight champion Stephen Loman na makalaban si dating ONE bantamweight world champion Bibiano Fernandes.

Ayon sa 30-anyos na Team Lakay member na kaya niyang makipagsabayan sa striking, wrestling o kahit sa grounds.

Kasalukuyang na as number 3 bantamweight division si Loman habang si Fernandes ay huling lumaban ng talunin siya ni dating UFC fighter John Lineker.

Hindi kasi natuloy ang laban ni Loman kay Lineker noong nakaraang taon matapos na magpositibo sa COVID-19 ang Filipino fighter.

Sakaling hindi matuloy din ang laban niya kay Fernandes ay posibleng ituloy na ang laban kay Lineker.