JAMES DELOS SANTOS
-- Advertisements --

Patuloy ang pamamayagpag ng Pilipinas sa e Kata Tournament. Ito’y sa pamamagitan ng Pilipinong Karateka na si James de los Santos.

Umaabot na sa siyam ang nasungkit na gold medal ni de los Santos ngayong 2021 at na break pa nito ang kayang sariling record.

Ito’y matapos matalo nito sa e-Kata Individual Male Seniors si Domont Matias Moreno ng Switzerland sa katatapos na second leg ng Katana InterContinental League Paris .

Nakuha pa nito sa kauna-unahang pagkakataon ang score na 27. Una nitong natalo sa elimination ang mga kinatawan ng France , Estados Unidos at England. Ayon kay de los Santos, patuloy ang kanyang paghahanda sa susunod pa nitong laban.

Maalaalang , noong nakaraang taon, ay nahakot ni de los Santos ng 36 mga gold medal sa iba’t ibang online Kata competitions.

-- Advertisement --