-- Advertisements --

VIGAN CITY – Patay ang isang Filipino healthworker sa Ontario, Canada dahil sa COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bombo International Correspondent Eugene Derro, mula Sta. Maria, Ilocos Sur, sinabi nito na environmental service aide sa Brampton Civic Hospital ang pumanaw na kababayan.

Ayon kay Derro, tatlong linggong naka-admit sa intensive care unit sa naturang ospital ang pumanaw na 56-anyos na lalaki.