-- Advertisements --

Tiwala ngayon ang Pinoy boxer na magiging maganda ang laban nito kontra sa Chinese boxer para sa titulong WBC ABCO Silver Lightweight na gaganapin ngayong darating na Mayo 6,sa Guindulman Bohol.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Shane “Sugar” Gentallan, sinabi nitong handang-handa na siya at puspusan na ang ensayong ginagawa kasama ang kanyang team.

Makakaharap ni Gentallan sa ring ang reigning WBC Asian Boxing Council light flyweight title holder na si DianXing Zhu.

Hawak ng 25 anyos na Boholano ang record na 7 wins-0 loss-4 knockouts.

Siya din ang kasalukuyang WBO Oriental Youth minimumweight champion matapos naagaw nito ang titulo mula sa Indonesian boxer na si Faisol Akbar noong Pebrero 25 ng kasalukuyang taon.

Sinabi pa Pinoy boxer na excited na siyang manalo ng panibagong titulo at bukas din umano siyang makalaban ang iba pang boxer mula sa ibang bansa kung saan ngayong Mayo ay pangalawang beses na niyang makalaban ng dayuhan.